Umabot sa $98.7 bilyon ang antas ng gross international reserves (GIR) ng Pilipinas sa katapusan ng Setyembre 2023, bahagyang pagbaba ito mula sa nakaraang buwan na nasa $99.6 bilyon.
Ang nasabing gross international reserve ng bansa ay nagbibigay ng matibay na external liquidity buffer na katumbas ng 7.3 na buwang halaga ng mga import at 5.7 na beses ang halaga sa short-term external debt ng bansa batay sa original maturity.
Ang pagbaba na ito ay pangunahing dulot ng pagbabayad ng National Government ng foreign debts at ang pagbaba ng halaga ng gold holdings ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) dahil sa pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.
Kasabay din nito ang bagbaba ng net international reserves ng Pilipinas sa $98.7 billion noong Septyembre mula sa August level na $99.5 billion. | ulat ni EJ Lazaro