Ground breaking ceremony sa P210-M halaga ng municipal at legislative building sa Sto. Domingo, Albay, isinagawa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Si AKO Bicol Solon Elizaldy Co, House Chairman Appropriations Committee, ang panauhing pandangal at taga pagsalita sa okasyon.

Kasama sina AKO Bicol Representative Jil Bongalon, Atty Alfredo Garbin Jr., Executive Director, DPWH V Regional Director Virgilio C. Eduarte, at ang host si Mayor Jun Aguas. Gayundin ang ibang mga panauhin. 

Ayon kay Co, kompiyansya ang lehislador na magdala ito ng karagdagang mga proyekto sa lugar, lalo na sa larangan ng turismo. 

Ito ang konstruksiyon ng coastal road na siyang mag-uugnay sa Legazpi Boulevard. Mayroon rin sa Banquerohan Legazpi City at Bayan ng Manito.  Makikita rito ang kagandahan ng Bulkang Mayon at Albay Gulf.  Magdadala ito ng Trabaho, Negosyo, mga lokal at dayuhang turista. 

Layon nitong, gumuhit sa mapa ng mundo na ang lalawigan ng Albay ay “World Class Tourism Hub.”  Magtatayo rin ng proteksiyon sa mga lugar na ito ng proteksiyon laban sa storm surges.  Aniya kinokopya na ang proyektong ito ng Sorsogon, Davao, Iloilo at Tacloban.

Sinabi naman ni AKO Bicol Representative Jil Bongalon, Vice Chairman Appropriations Committee, isa sa mga inisyatibo ni Representative Co Zaldy ang proyekto. Binubuo ito ng dalawang gusali. 

Si Mayor Jun Aguas ng Sto Domingo, Albay, taus pusong nagpasalamat kay Representative Co.  Sabi niya matapos ang malungkot na pangyayari sa kanilang bayan ng masunog ang municipal building.  Agad na tumawag sa kanya si AKO Bicol Representative Elizaldy Co, upang bigyang solusyon ang kanyang problema. Sabi niya” Boss, we are forever grateful to you and to AKO Bicol Partylist.” | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us