Grupong Ban Toxics sa mga bibisita sa sementeryo: Huwag gawing basurahan ang mga himlayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela ngayon ang environmental group BAN Toxics sa publiko na maging responsable at panatilihin ang kalinisan sa pagbisita sa mga sementeryo ngayong Undas.

Tinukoy ng grupo na noong nakaraang Undas ay aabot sa 78 trak na puno ng basura ang nakolekta sa dalawang pinakamalaking sementeryo sa Maynila, ang Manila North Cemetery at Manila South Cemetery.

Ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics, umaasa itong mapapanatiling waste-free ngayong Undas ang mga sementeryo at hindi ito magiging basurahan ng mga bibisita.

“Let’s not turn burial grounds into dumping grounds. We must preserve cemeteries as clean, peaceful and waste-free places,” pahayag ni Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics.

Kasunod nito, naglabas ng ilang tips ang BAN Toxics para mabawasan ang toxic waste sa mga sementeryo, kabilang ang paggamit ng lead-safe paints sa pagpipintura ng mga puntod; paggamit ng cotton wick candles, reusable containers para sa mga dadalhing pagkain, at hindi pag-iiwan ng basura sa sementeryo.

“Cemeteries are considered the final resting places of our departed loved ones and should be treated with the utmost respect and reverence,” dagdag pa ni Dizon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us