Grupong BAN Toxics sa mga kandidato: Gumamit ng recyclable at environmental friendly materials sa pangangampanya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa pag-arangkada ng campaign period ay hinihikayat ng environmental group BAN Toxics ang mga kumakandidato na huwag maging epal kundi maging “Environment PAL” o “Kaibigan ng Kalikasan.”

Sa isang pahayag, hinimok ng grupo ang mga kandidato na sumunod sa mga panuntunan sa pangangampanya at iprayoridad ang pagtugon sa environmental issues sa kanilang barangay.

Ipinunto rin ng BAN toxics ang nakapaloob sa COMELEC Resolution No. 10294 s. 2018, na naghihikayat sa mga kandidato na gumamit ng recyclable at eco-friendly materials sa kanilang mga election propaganda.

Ayon sa grupo, dapat alalahanin ng mga kandidato na nakakadagdag sa waste generation ang paggamit ng plastic at PVC campaign materials.

“Barangay and Sangguniang Kabataan candidates should be an advocate for environmental protection and preservation, “Environment PALS” not just during election fever, but in the genuine implementation of programs and services once elected,” pahayag ni Rey San Juan, Executive Director ng BAN Toxics.

Kasunod nito, umaasa rin ang grupo na lahat ng kandidato ay magsasagawa ng post election clean-up, sila man ay manalo o matalo sa eleksyon.

“We encourage all candidates “win or lose” to conduct post election clean-ups, properly collected and segregated – not “hakot-tambak” to minimize trash, and promote a clean, peaceful, toxic-free, and waste-free election,” sabi ng grupo. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us