Sa tingin ni Senador Francis Tolentino, mas nakita ang kahalagahan ng pagpapasa ng mandatory ROTC bill sa gitna ng sitwasyon ngayon sa Israel.
Ayon kay Tolentino, mas na-highlight ang pagkakaroon ng de kalidad na ROTC program dahil sa giyera sa Israel at Hamas militants.
Pinaliwanag ng senador na ang paghahanda sa mga kabataan ay hindi tungkol sa giyera. Bagkus ito ay tungkol sa pagiging makabayan, mental protection, paghahanda sa kalamidad at iba pa.
Sa ngayon ay hindi pa matiyak ni Tolentino kung maipapasa ngayong taon ang ROTC bill
Ito ay prayoridad dahil ng pa aniya ng senado ang pagtalakay at maipasa bago matapos ang taon ang panukalang 2024 national budget. | ulat ni Nimfa Asuncion