Pinapurihan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu para labanan ang malnutrisyon sa kanilang mga mag-aaral.
Ito’y kasunod ng pakikipagpulong ni VP Sara kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia nitong weekend kung saan, tinalakay din ang ilang mga programa ng lalawigan sa mga estudyanteng Cebuano.
Kasunod nito, nagpasalamat si VP Sara sa suportang ibinibigay ng Lalawigan ng Cebu sa kaniyang tanggapan para itaguyod ang programa kontra malnutrisyon na kahalintulad ng kanilang school-based feeding program ng Department of Education (DepEd).
Aniya, malaki ang maitutulong ng programa para maihanda ang mga mag-aaral sa pagkakaroon ng batang MATATAG: Bansang Makabata at Batang Makabansa.
Samantala, kinumpirma rin ni Gov. Garcia kay VP Sara na lalahok na ang Cebu sa darating na Palarong Pambansa para sa susunod na taon, bagay na ikinatuwa rin ng Pangalawang Pangulo