Halaga ng iligal na droga na nakumpiska ng PDEA, sumampa na sa higit ₱28-B

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat na sa ₱28-billion ang kabuuang halaga ng mga iligal na drogang nakum­piska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon sa PDEA, nagmula ito sa higit 47,000 anti-drug operations nito mula July 1, 2022 hanggang September 31, 2023.

Nangunguna rito ang nasabat na shabu na umabot sa 3,795 kilo, 38.26 kilo ng cocaine, higit 52,000 piraso ng ecstasy, at 2,755 kilo ng marijuana.

Kaugnay nito, umabot na rin sa 4,468 ang mga nahuling high value individual.

Samantala, nasa 27,799 na rin ang mga idineklarang drug-cleared barangays sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us