Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tinaasan na ang halaga ng subsidiya para sa mga nais sumali sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.
Ayon sa LTFRB, maaari nang makahiram ng hanggang sa ₱280,000 mula sa dating ₱160,000 ang sinumang interesado na lumahok sa PUVMP para makabili ng Class 2, 3, o 4 na modern unit na pampublikong sasakyan.
Habang hanggang ₱210,000 naman ang alok na subsidiya para sa modern unit na Class 1.
Ito ay alinsunod na rin sa inilabas na Memorandum Circular ng LTFRB.
Layon ng naturang hakbang na makapagbigay ng karagdagang tulong sa mga kwalipikadong kooperatiba na nais bumili ng modern PUV units at maging bahagi ng PUVMP. | ulat ni Diane Angela Lear