Halal Industry Development Council sa Davao City, muling binuo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling binuo ng Davao City government ang Halal Industry Development Council sa pamamagitan ng Executive Order No. 29 Series of 2023 na nilagdaan ni Mayor Sebastian Duterte.

Sa pahayag na inilabas ng lokal na pamahalaan, layunin nitong mas mapaunlad ang Halal Industry ng lungsod sa pamamagitan ng pagsusulong ng Halal tourism, trade, at investment kasama ang suporta ng mga nasa pribadong sektor.

Batay sa EO 29, tungkulin ng Halal Industry Council ang paghikayat ng lungsod na makilahok sa mga international event at trade exhibitions katulad ng World Halal Tourism Summit, GULFOOD, MIHAS, at iba pa, upang ma-promote ang mga Halal-certified products and services dito.

Dagdag nito ang pagbuo ng ugnayan sa pagitan ng local government at international trade offices, at investment promotion agencies para sa pag-likha ng mga business trade and investments sa lungsod na nagsusuporta sa Halal Industry.

Kabilang din sa mga tungkulin nito ang pangunguna sa pagbuo ng mga importanteng pasilidad katulad ng Halal Science Center, Modern Halal Abbatoir, at Halal Hub dito sa Davao City

Batay sa EO, tatayong chairperson ng Halal Industry Development Council ang city mayor, at vice chairperson nito ang Mindanao Islamic Chamber of Commerce and Industry. | ulat ni Maymay Benedicto | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us