Halos 200 indibidwal sa Batanes, apektado ng bagyong Jenny — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng halos 200 indibidwal na apektado ng bagyong Jenny sa lalawigan ng Batanes.

Batay yan sa tala ng DSWD Field Office 2 sa gitna ng patuloy na pananalasa ng bagyong Jenny.

Ayon sa DSWD, mayroong tatlong pamilya sa tatlong barangay ang apektado rin ng kalamidad.

Habang may isang pamilya ang kasalukuyang nananatili sa evacuation center.

Tiniyak naman ng DSWD na handa ang higit ₱151-million relief resources nito para umagapay sakaling madagdagan pa ang bilang ng mga apektado ng bagyong Jenny. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us