Heightened alert status ng PNP para sa BSKE, tuloy-tuloy hanggang Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naka-heightened alert status na ang Philippine National Police (PNP) para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

Ito ang inihayag ni PNP Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Michael John Dubria sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon pagkatapos ng ipinatawag na Command Confernce ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr.

Ayon kay Dubria hindi nila ibababa ang kanilang alert status hanggang Undas, kung saan magiging abala naman ang publiko sa pagdalaw sa sementeryo at  pagbiyahe sa long weekend.

Samantala, nakapagsagawa na ang Pulisya ng 251,592 checkpoint operations mula nang magsimula ang election period noong August 28.

Nakumpiska ng pulisya ang 1,103 baril habang nahuli ang 1,479 indibidwal sa paglabag sa Gun Ban.

Nasa 995 baril ang isinuko sa pulisya at 1,905 baril ang idineposito para sa safekeeping.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us