Pinasinayaan na ng Department of Health ang makabago at modernong Hemodialysis Center ng Mindanao Central Sanitarium sa Zamboanga City.
Layon nito na tulungan ang mga taga-Zamboanga at karatig lalawigan na mabigyan ng serbisyo na may kinalaman sa kalusugan.
Sa pangunguna nina Mindanao Undersecretary and Visayas Officer-in-Charge Abdullah Dumama Jr., Management Services Team Assistant Secretary Leonita Gorgolon, at Center for Health Development-Zamboanga Regional Director Joshua Brilliante ay binuksan na sa mga pasyente ang Hemodialysis Center.
Sinaksihan nina Zamboanga City 2nd District Representative at Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Zamboanga City 1st District Representative Khymer Adan Olaso, at Zamboanga City Mayor John Dalipe ang nasabing pagpapasinaya.
Sabi ng DOH, malaki ang maitutulong ng bagong mga kagamitan para tulungan ang mga mahihirap na pasyente. | ulat ni Michael Rogas
📷: DOH