Aabot sa halos 66 na kahon o higit 1,000 kilo ng Peking duck ang kinumpiska ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa ikinasang buy bust operation sa Quezon City,
Ikinasa ng NMIS Enforcement Unit ang operasyon noong October 20 sa palengke ng Project 6 sa Barangay Vasra.
Ayon sa NMIS, ang mga nasamsam na karne ay hinihinalang galing sa China base sa mga nakasulat sa mga kahon at may katumbas na halagang ₱295,432.
Agad namang naisyuhan ng Confiscation Notice ang may-ari ng kontrabando.
Sa kasalukuyan, ipinagbabawal ang pagpupuslit ng Peking duck mula sa China dahil sa Avian Influenza na posibleng maging banta sa kalusugan ng mga tao pati na sa animal industry ng bansa.
Nakatakdang i-dispose ng NMIS ang mga nasabat na karne. | ulat ni Merry Ann Bastasa