Higit 12,000 guro sa QC, handa nang magsilbi sa Barangay at SK Elections — DepEd QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mayroong higit sa 12,000 guro ang ide-deploy sa iba’t ibang polling precints sa Quezon City para magsilbi sa paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa darating na October 30.

Sa ginanap na QC Journalists Forum, iniulat ni Department of Education (DepEd) QC Chief Education Supervisor Dr. Heidee Ferrer na mula sa bilang na ito, nasa higit 11,000 ang magsisilbing Board of Election Inspectors (BEIs).

Pagtitiyak naman nito na handang-handa na ang mga guro sa QC sa paparating na halalan na sumailalim na sa iba’t ibang orientation at trainings.

Aktibo rin aniya ang koordinasyon ng DepEd QC sa Commission on Elections (COMELEC), maging sa Quezon City Police District (QCPD) para matiyak na magiging maayos at ligtas ang eleksyon at walang magiging aberya sa mga balota.

Pagtitiyak ni Dr. Ferrer na nagbigay na ng commitment ang LGU na magde-deploy ng mga sasakyan para sa ligtas na paghahatid ng mga balota matapos ang eleksyon.

Samantala, pagsisikapan naman ng DepEd katuwang ang lokal na pamahalaan na agad na malagyan ng CCTV ang anim na eskwelahang pinatututukan ng COMELEC. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us