Aabot sa kabuuang 26,266 micro-retailers at sari-sari store owners sa bansa ang nakinabang sa ipinamahaging Sustainable Livelihood Program (SLP) – Cash Assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon sa DSWD, nagtapos ang distribusyon nito ng SLP noong Biyernes, October 20.
Nakatanggap ng tig-₱15,000 cash aid ang mga benepisyaryo na katumbas ng kabuuang ₱393.9-million.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assiatant Secretary Romel Lopez, mula sa kabuuang 35,302 target beneficiaries sa programa, 8,873 micro-retailers at sari-sari store owners ang hindi sumipot at nag-claim ng kanilang livelihood grants habang 163 naman ang na-disqualify dahil sa isyu sa kanilang mga iprinesentang dokumento.
Umaasa naman ang DSWD na nakatulong sa mga maliliit na negosyante ang hatid na tulong ng pamahalaan upang makabawi sa kita mula nang ipinatupad ang EO-39 o ang price cap sa presyo ng regular at well-milled rice. | ulat ni Merry Ann Bastasa