Higit 4 na milyong yumaong indibidwal, nasa database pa rin ng PhilHealth

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inamin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nananatili pa ring rehistrado bilang PhilHealth members ang higit apat na milyong indibidwal na yumao na.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr. na kinakailangan pa nilang linisin ang database ng ahensya.

Sinabi Ledesma, na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) kaugnay nito.

Sa naturang pagdinig ay ibinahagi rin ng opisiyal na nasa 92 percent na ng mga Pilipino ang covered ng PhilHealth.

 Resulta aniya ito ng mas pinadali nang membership process ngayon

Ayon kay Ledesma, naisaayos na nila ang kanilang sistema kung saan kahit na nasa ospital na ang isang indibidwal ay maaari pang iproseso ang kanyang membership, kaya wala nang dahilan para hindi makapagpamiyembro. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us