Higit 400 establisyimento na may paglabag sa excise tax regulations, sinalakay ng BIR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit P604.3 milyong halaga ng excisable perfume and toilet water products ang nasamsam ng Bureau of Internal Revenue sa iba’t ibang establisyimento sa buong bansa.

Batay sa ulat, higit 400 establisyimento ang sinalakay ng BIR nitong nakalipas na Setyembre 27 at 28 na pinangunahan ni Commissioner Romeo Lumagui Jr.

Lahat ng negosyo ay nakitaan ng mga paglabag sa excise tax regulations.

Ang mga hakbang na ito ng BIR ay patunay lang sa ipinangako ni Lumagui na ipatutupad ng kawanihan ang tax regulations sa lahat ng business establishments. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us