4,710 na residente sa Leyte ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez at Tingog Partylist Representatives Yedda Romualdez at Jude Acidre.
Pinangunahan ni Tingog Party-list Director for Community Engagements Karla Estrada ang pagbibigay ayuda sa pamamagitan ng AICS program ng Department of Social Welfare and Development at TUPAD at Integrated Livelihood Program ng Department of Labor and Employment.
Mula October 1 at 2, nabigyan ng cash assistance ang nasa 1,000 benepisyaryo mula Carigara at Palompon; 2,500 na indibidwal mula Tacloban, at 180 estudyante na nakapasok sa Government Internship Program (GIP), habang may 30 benepisyaryo ang nakatanggap ng pedicabs sa ilalim ng Livelihood Program ng DOLE
Karamihan sa mga natulungan ay mga barangay health care worker, mag-aaral at mula sa pinakamahihirap na komunidad sa Leyte. | ulat ni Kathleen Jean Forbes