Higit 4,200 na bagong miyembro ng PCG, nagsimula na ng kanilang pagsasanay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula na ang pagsasanay ng aabot sa higit 4,200 na bagong miyembro Philippine Coast Guard (PCG) na nagmula pa sa iba’t ibang regional training centers sa buong bansa.

Ang mga bagong miyembro ay binubuo ng 400 Coast Guard Officer’s Course (CGOC) trainees at 3,820 Coast Guard Non-Officer’s Course (CGNOC) trainees, na may kabuuang bilang na aabot sa 4,220.

Ang mga nasabing mga bagong member ng PCG ay sabay-sabay na nanumpa sa PCG Regional Training Centers (RTC) sa Bataan, Taguig, Misamis Oriental, Aurora, Capiz, La Union, Masbate, at Zamboanga.

Ayon sa Coast Guard Education, Training and Doctrine Command (CGETDC), ang anim na buwang pagsasanay ng PCG ay nakatuon sa drills, basic soldiery, at Coast Guard customs and traditions.

Magkakaroon din sila ng serye ng functional training sa maritime security, maritime law enforcement, maritime safety, maritime search and rescue, at marine environmental protection.

Dagdag pa ng PCG, ang kanilang mga bagong miyembro ay nasiguradong “physically fit” matapos mapasa ng mga ito ang isang comprehensive medical evaluation and health assessment na kailangan bago opisyan na maging Coast Guardians.

Samantala, sa paparating na ikatlong linggo ngayong Oktubre may karagdagan pang 300 traineees ang PCG mula sa Eastern Visayas ang kanilang kino-convene para lumahok sa Coast Guard. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us