Higit 63,000 PDLs, tiyak nang makaboboto sa Barangay at SK Elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit 63,000 Persons Deprived of Liberty (PDL) na registered voters ang tiyak na makaboboto sa darating na Barangay at SK Elections.

Ngayong araw, pormal nang nilagdaan sa Central Office ng Bureau of Jail Management and Penology ang Tripertite Memorandum of Agreement sa pagitan ng Commission on Elections (Comelec), Public Attorney’s Office at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sinabi ni Comelec in Charge for Vulnerable Sector Commissioner Aimee Ferolino ang pagboto ng mga PDL ay pagtalima sa kautusan ng Supreme Court at pagsusulong ng kanilang karapatang makaboto.

Magtatalaga ang BJMP ng special polling centers sa kanilang pasilidad habang ang iba ay sa mga polling precinct.

Samantala, kinumpirma ng BJMP na may anim na PDL ang kumandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us