Higit 700k miyembro ng 4Ps, mananatili sa listahan ng mga benepisyaryo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natapos na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang re-assessment sa 1.1 million na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DSWD Usec. Edu Punay na lumalabas sa kanilang ginawang pag-aaral na ang 761,150 na benepisyaryo ay mahirap pa rin at nangangailangan pa rin ng patuloy na assistance sa ilalim ng programa.

Ibig sabihin, hindi muna ga-graduate ang mga ito sa listahan ng 4Ps.

Isa aniya sa nakikita nilang dahilan, ang epekto pa rin ng COVID-19 pandemic, kung saan marami ang nawalann ng hanapbuhay.

“Nakita natin iyong impact ng pandemic – talagang marami ang nawalan ng trabaho at talagang naghirap nitong pandemic kaya sila ay… karamihan dito, talagang ‘due for graduation’ na pero dahil sa pandemic, bumaba ulit sila doon sa poverty level kaya kailangan pa natin silang bigyan ng 4Ps program.” — Usec Punay. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us