Higit 90 grade 2 student na sumailalim sa tutoring program ng DSWD, binigyan ng libreng eyeglasses

Facebook
Twitter
LinkedIn

May 95 elementary student na benepisyaryo ng Tara, Basa! Tutoring Program ang pinagkalooban ng libreng prescription eyeglasses mula sa GT Foundation Inc. (GTFI).

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang mga benepisyaryo ay mula sa Bagong Silangan Elementary School.

Sinabi ni DSWD Program Management Bureau Director Maricel Deloria na ang libreng eye screening at provision ng prescription eyeglasses ay isa sa mga bahagi ng tutoring program upang matiyak na ang mga grade school beneficiaries ay may malinaw na paningin.

Kaugnay nito, palalawakin pa ng DSWD at ng GT Foundation Inc ang programa sa iba pang pilot areas para masuri ang iba pang benepisyaryo ng Tara, Basa! Tutoring program.

Bukod sa grade 2 students namahagi rin ang GTFI ng eyeglasses sa 32 elementary school learners mula sa iba’t ibang grade levels at sa 44 guro at staff ng Bagong Silangan Elementary School. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us