Higit P300-M na advertising fund ng PCSO, pinalilipat ng isang mambabatas para sa psoriasis treatment

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ng isang mambabatas ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ilipat na lang ang higit P300 million nitong advertising budget, para tulungan ang mga Pilipinong may psoriasis.

Ayon kay AnaKalusugan Party-list Representative Ray Reyes, maigi na ilipat na lang ng PCSO ang P340 million nitong inilaan para sa advertisement pang gamot sa sakit na psoriasis.

Tinukoy ng mambabatas, na batay sa survey ng Psoriasis Philippines (PsorPhil) 37.1 percent ng respondents na pawang psoriasis patients ang walang trabaho habang 52.3 percent naman ang kumikita ng mas mababa sa P20,000 kada buwan.

Dahil dito, marami sa kanila ang hirap na punan ang gamutan.

“Apart from the financial burden of the disease, the survey also showed that almost 8 out of 10 (77 percent) respondents reported experiencing depression while 66 percent dealt with anxiety. This just shows that the suffering of people afflicted with psoriasis are more than skin-deep,” ani Reyes.

Batay sa datos ng Department of Health nasa 1.8 million ng mga Pilipino ang apektado ng psoriasis, isang autoimmune condition kung saan inaatake ng immune system ang sariling katawan ng indibidwal sa pamamagitan ng mamula-mulang skin patches.

Una nang inihain ni Reyes ang House Bill 1106, para sa pagtatatag ng National Integrated Program to Prevent and Cure Psoriasis. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us