Kaisa si Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co sa planong pagpapaunlad at pagsasaayos ng Pag-asa Island.
Kasama si Co sa mga lider ng Kamara na bumisita kamakailan sa Pag-asa Island kung saan nakita nila ang ganda at potensyal ng isla.
Ayon sa House Appropriations panel Chair, suportado niya ang hangarin ni Speaker Martin Romualdez na paglaanan ng sapat na pondo ang isla para sa infrastructure, security at tourism programs.
Katunayan, plano ng Kamara na paglaanan ng hindi bababa sa P3 billion na pondo ang extension ng airstrip sa isla.
“I’ve always been a firm believer in the untapped potential of our nation’s treasures.” sabi ni Co.
Pagsisiguro pa ni Co na hindi lang mananatiling plano ang mga proyekto bagkus ay isasakatuparan para na rin sa integridad ng ating soberanya at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
“As Speaker Romualdez rightly pointed out, the beauty and strategic significance of Pag-asa Island are undeniable. Investing in its infrastructure and promoting it as a tourism hotspot is not just a vision but a commitment. Together, we aim to transform this vision into a reality, strengthening our nation’s footprint both in terms of sovereignty and economic prosperity.” dagdag ng House Appropriations Chair. | ulat ni Kathleen Jean Forbes