House Approriations Committee Chair, nais padagdagan ang pondo ng DICT para labanan ang ransomware attacks

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makikipag-ugnayan si House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co sa Senado upang madagdagan ang pondo ng Department of Information and Communication Technology.

Ito’y bunsod ng magkakasunod na hacking sa website ng government agencies, pinakahuli ang sa Kamara nitong Linggo.

Batid ani Co na nangangailangan ngayon ng pondo ang DICT para tugunan ang paglipana ng ransomware attacks.

“For the continuing ransomware attacks, we convey to the Department of Budget and Management the urgent need for additional funds for the DICT and government agencies being attacked and vulnerable to cyberattacks.”, ani Co.

Mungkahi naman nito na humugot muna ng pandagdag pondo mula sa unprogrammed funds ng 2023 national budget para mapalakas na ngayon ang kapasidad ng DICT at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Maaari rin aniyang bigyang awtorisasyon na gamitin ng mga ahensya ang kanilang saving para palakasin ang kanilang IT security at ransomware countermeasures. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us