Welcome para kay House Committee on Labor and Employment Chair Fidel Nograles ang paglagda ng Commission on Human Rights at Department of Labor and Employment sa isang kasunduan para protektahan ang karapatan ng mga manggagawa.
Ang naturang kasunduan sa pagitan ng CHR at DOLE ay bilang tugon sa naging tripartite meeting ng International Labor Organization (ILO) kung saan itinutulak ang pinaigting na ugnayan sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan para sa pagkilala ng labor rights.
Sa ilalim ng kasunduan, isasaayos ang pagsasagawa ng imbestigasyon, referral ng mga kaso, pagbibigay ng libreng legal advice, training at promotional activities, at policy development sa karapatan ng mga manggagawa na magkatuwang na ipatutupad ng CHR at DOLE.
Bahagi rin nito ang pagsusulong sa Freedom of Association at Right to Organize ng mga empleyado salig na rin sa saligang batas.
Umaasa din si Nograles na mapapaigting ang pagtugis sa mga mapang-abusong employer at tulungan ang mga ito na maiwasan ang anumang uri ng pananamantala o pang-aabuso sa mga empleyado. | ulat ni Kathleen Jean Forbes