House leaders, pinuri ang pagsira sa halos P6 bilyong halaga ng iligal na droga na nasabat ng PDEA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa kinilala nina House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers at Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. ang matagumpay na paglaban ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang law enforcement agency sa iligal na droga.

Kapwa nakibahagi si Barbers at Gonzales sa ginawang pagsira ng PDEA sa nasabat nitong mga iligal na droga na nagkakahalaga ng halos P6 bilyong.

Paghimok ni Barbers sa mga otoridad, ipagpatuloy ang kanilang bloodless drug war at siguruhing malakas ang kasong isasampa laban sa mga sangkot sa iligal na droga.

Aniya, mawawalan ng saysay ang kanilang mga paghihirap kung mauuuwi lang sa dismissal ang kaso.

Pagtiyak pa nito, na makakaasa sila ng buong suporta ng Kongreso para sa ikatatagumpay ng drug war ng pamahalaan.

Kasama sa sinunog ng PDEA ang 274 kilos ng shabu na nakumpiska sa Manila International Container Port noong Oktubre 6, at ang 208 kilo ng shabu extender na narekober sa Mabalacat City dahil hindi na kailangan bilang mga ebidensya.

Hindi naman sinunog ang 530 kilo ng shabu na nakuha sa warehouse sa Barangay San Jose Malino dahil hindi pa umano tapos ang isinasagawang imbestigasyon dito.

Ayon naman kay Gonzales, ang pag-saksi nila sa ginawang pagsira sa illicit substances ay bilang bahagi ng oversight function nila sa Kamara.

Ipinatawag ng komite ni Barbers ang negosyanteng si Willy Ong na siyang may-ari ng warehouse sa Barangay San Jose Malino sa susunod na pagdinig nito. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us