House of Representatives, kinilala bilang ‘mother and baby friendly’ institution

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ng Department of Health – National Capital Region (DOH) ang House of Representatives (HRep) bilang ‘mother-baby friendly’ institution.

Ito ay dahil na rin sa pagkakaroon ng angkop na pasilidad at sapat na suporta para sa working mothers sa Kamara.

Partikular dito ang apat na lactation stations sa HREP Complex.

Ayon kay DOH Undersecretary Dr. Nestor Santiago Jr. malaking bagay ang pagkakaroon ng isang supportive workplace gaya ng Kamara para sa mga ina at kanilang mga anak.

Si Committee on the Welfare of Children Chairperson and BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co ang tumanggap ng parangal sa ngalan ni Tingog party-list Rep. Yedda Romualdez.

Pagtiyak ng lady legislators na patuloy na sisiguruhin ng House of Representatives na ang kanilang pasilidad ay ligtas at may pagkalinga para sa working mothers lalo na ang lactating moms. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us