House panel Chair, pinatitiyak ang kaligtasan ng mga OFW sa Israel matapos ang umano’y pandurukot ng grupong Hamas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasisiguro ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair Ron Salo sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) ang kaligtasan ng mga OFW na naiipit ngayon sa gulo matapos atakihin ng grupong Hamas ang Israel.

Pinaka-ikinababahala ni Salo ay ang napaulat na pandurukot ng naturang grupo sa mga indibidwal kasama ang ilang OFW.

Bunsod nito pinakikilos ng mambabatas ang DFA at DMW na siguruhing ligtas na maibabalik ang mga Filipino migrant worker sa kani-kanilang mga pamilya.

“Our thoughts and prayers are with the affected OFWs and their families during this challenging time. The safety and well-being of our kababayans is of utmost priority, and our government needs to ensure their swift and safe return to their loved ones. We urge our Department of Foreign Affairs (DFA) and the Department of Migrant Workers (DMW) to do everything to ensure their immediate safe release.” sabi ni Salo.

Nanawagan din si Salo sa international community na suportahan ang pagtiyak sa karapatan ng mga OFW at sumunod sa international humanitarian law.

Hiling din ng mambabatas na magkaisa ang bansa sa pagbibigay ng suporta at panalangin sa kaligtasan ng ating mga kababayang Pilipino na apektado ng gulo at para sa mabilis at payapang pag-resolba ng sigalot.

Sa hiwalay na pahayag ng Philippine Embassy sa Tel Aviv, sinabi na bineberipika pa ang nasabing report na may mga Pilipinong manggagawa na nasa kamay ng Hamas.

Pagdating naman sa mga Pilipinong estudyante na bahagi ng Agrostudies program ng Israel, kinumpirma umano ng person in charge na kumpleto at ligtas ang mga mag-aaral. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us