Kumpiyansa si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na unti-unting huhupa ang inflation rate ngayong buwan ng Oktubre.
Ito’y matapos pumalo sa 6.1% ang inflation rate para sa buwan ng Setyembre mula sa 5.3% noong Agosto.
Ang naturang pagtaas sa inflation rate ay bunsod ng epekto ng taas presyo ng bigas at krudo.
“The September inflation figure is due almost entirely to rice price spikes and the global oil price spike. The PSA collects data on the first five days of the month, and on the 15-17th days, so it captured a lot of the speculative rise in global oil prices, but not the sharp declines that followed September 27.” ani Salceda.
Paliwanag ng economist solon, kailangan ikonsidera na ginawa ang pagtaya sa mga presyo nang hindi pa bumaba ang presyuhan ng bigas dahil sa ipinatupad na price cap ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at panahon na bumulusok umano ang global oil prices.
Kaya naman inaasahan na sa Oktubre pa magre-reflect ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
“So, this is a snapshot in time past, and we have to analyze it in that light. The weeks after data collected were entirely better, and we’ll catch that next month. In short, things have gotten better, and the data didn’t capture it yet because the methodology covers the first half of the month. Expect it captured in the October figures.” dagdag ng mambabatas.
Kasama rin sa tinukoy ni Salceda ang signipikanteng pagbaba sa inflation rate ng asukal, mais at karne. | ulat ni Kathleen Jean Forbes