Pinagtibay na ng House Committee on Ways and Means ang panukala na bawasan ang buwis na ipinapataw sa taya at panalo sa lotto.
Sa ilalim ng House Bill 9277, ang final tax rate para sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at panalo sa lotto ay ibababa na sa 10% mula sa kasalukuyang 20%.
Mananatili namang exempted sa buwis ang mga panalo sa lotto na hindi lalagpas sa P10,000.
10% na lang din ang documentary stamp tax sa ticket ng PCSO lotto at taya sa karera ng kabayo na sa kasalukuyan ay 20%.
Sa ilalim ng panukala, ang stock transaction tax ay ibababa sa 1/10 ng 1% mula sa kasalukuyang 6/10 ng 1%.
Ibababa rin ng panukala ang kasalukuyang 25% dividends tax rate para sa non-resident aliens sa 10%. | ulat ni Kathleen Jean Forbes