Housing units na ibibigay sa informal settlers na apektado ng PNR South Long Haul project, hindi drawing- DHSUD Usec. De Guzman

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Usec. Garry De Guzman na hindi drawing kundi totoo at magandang housing units ang ibibigay ng pamahalaan sa informal settlers na naaapektuhan ng PNR South Long Haul Project sa Laguna at Quezon.

Ito ang naging pahayag ng opisyal sa groundbreaking ceremony ng segment 3 ng proyekto sa San Pablo City, Laguna.

Ayon kay Usec. De Guzman, patunay ang housing units na naipatayo na sa San Fernando, Pampanga.

Humiling naman din ang opisyal sa mga pamahalaang lokal na suportahan ang proyekto sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga kalsada patungo sa relocation sites.

Lampas 9,800 ang housing units ang itatayo sa Laguna at Quezon.| ulat ni Carmi Isles| RP1 Lucena

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us