Humanitarian workers sa Israel, dapat magkaroon ng free passage para tulungan ang mga naiipit sa gulo roon — Int’l Committe of the Red Cross

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda ang International Committee of the Red Cross (ICRC) na mag-abot ng mga kinakailangang tulong sa mga naiipit sa gulo sa Israel.

Ayon kay ICRC President Mirjana Spoljaric (Miryana Spolyarich), nasaksihan na ng kanilang grupo ang sigalot sa pagitan ng Israel at Palestine lalo na sa Gaza Strip at walang ibang namayani roon kundi ang karahasan, pagkawala ng buhay, at ari-arian.

Dahil dito, hinimok ng ICRC ang magkabilang panig na igalang ang kani-kanilang obligasyon sa ilalim ng International Humanitarian Law at gawin ang lahat ng posibleng mga hakbang upang pigilan na mapahamak ang sinumang sibilyan.

Dahil dito, handa ang ICRC na magbigay ng ibayong tulong gaya ng humanitarian support lalo na sa paghahanap sa mga nawawala, dispatching ng mga medical supply, at pagbubuklod sa mga pamilyang nagkawatak-watak dahil sa digmaan.

Inaasahang maglalabas naman ng kanilang pahayag ang Philippine Red Cross (PRC) sa kung anong mga tulong ang kanilang maiaabot para naman sa mga kababayang Pilipinong naiipit sa gulo sa Israel at Gaza Strip.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us