Ika-76 na anibersaryo ng Naval Air Wing, pinangunahan ng AFP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pagdiriwang ng ika-76 na anibersaryo ng Naval Air Wing ng Philippine Navy sa Sangley Point, Cavite City kahapon.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Gen. Brawner ang Naval Air Wing bilang isang maaasahan at malakas na pwersa ng Philippine Navy na may mahalagang misyon sa pagtiyak ng seguridad at kaligtasan ng airspace at maritime territories ng bansa.

Una na ring kinilala ni Gen. Brawner ang Naval Air Wing sa mabilis na pagresponde at suporta sa mga ground troops noong panahon ng Marawi Siege.

Hinamon naman ng Heneral ang mga tauhan ng Naval Air Wing na higitan pa ang mga “limit” na itinakda nila sa kanilang unit, kasabay ng paalala na laging bigyang prayoridad ang kaligtasan, bilang susi sa tagumpay ng operasyon. | ulat ni Leo Sarne

📷: TSg Obinque/PAOAFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us