Ikatlong batch ng mga OFW mula Israel, nakatakdang umuwi sa bansa ngayong araw— DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa humigit kumulang 25 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Israel ang nakatakdang umuwi sa bansa ngayong araw.

Ito’y ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) ang ikatlong batch ng mga Pilipinong magbabalik bansa matapos maipit sa pagsiklab ng gulo sa Israel.

Ayon sa DMW, sakay ang mga naturang OFW ng Etihad Airways flight EY424 at nakatakdang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ganap na alas-3:55 ng hapon.

Doon, sasalubungin sila ng mga opisyal at kinatawan mula sa DMW, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Foreign Affairs (DFA).

Magugunitang nitong Sabado, nakabalik na ng bansa ang may 87 OFWs kasama ang tatlong batang anak ng ilan sa mga OFW kung saan, sumailalim sila sa debriefing, binigyan ng tulong pinansyal, at inihatid pa ng pamahalaan sa kani-kanilang destinasyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us