Ikatlong Pilipino na nasawi sa gulo sa Israel, kinumpirma ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat na sa tatlo ang bilang ng mga Pilipinong nasawi dahil sa gulo sa Israel, bunsod ng pag-atake ng Palestinian militant group na Hamas.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DFA Usec. Eduardo de Vega na ang ikatlong nasawi ay isang 49-anyos na babae, at tubong Negros Occidental.

“I regret to inform you that, yes, it is confirmed – there is a third Filipino casualty. A 49-year-old woman from Negros Occidental. Her family is aware, the President is aware and the Philippine government of course is working with the family. The embassy in Israel is in touch with the sisters who are in Kuwait actually for the repatriation of remains.” —Usec. Vega.

Ayon sa opisyal, ang biktima ay isa sa mga dumalo sa music festival sa malapit sa Gaza Strip noong umatake ang Hamas.

Ayon sa opisyal, ang labi ng biktima ang una nang inanusyo ng pamahalaan na kinukumpirma ang pagkakakilanlan sa pagsailalim sa DNA testing.

Ayon sa opisyal, naipabatid na ng pamahalaan sa pamilya ng biktima dito sa Pilipinas ang sinapit ng kanilang kaanak.

Habang alam na rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang impormasyong ito.

“The President knows about it, he will contact the family of course. Literally within the last hour or so that the President knew although news reach us from the embassy a little earlier this morning although I must say I note that some legislators are already aware of it, so they have their sources perhaps.” — Usec. Vega. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us