Ilang botante ng Brgy. Highway Hills, maaga nagtungo sa eskuwelahan para hanapin ang kani-kanilang presinto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilan sa mga residente ng Brgy. Highway Hills sa Mandaluyong ang maagang pumunta sa Highway Hills Integrated School para alamin ang kani-kanilang polling precinct.

Bagamat alas-7 pa ang botohan, minabuti ng ilang botante na maaga magtungo sa eskuwelahan dahil hindi pa sila sigurado sa kanilang presinto.

May mga empleyado ng baranggay na maaga rin pumila dahil may duty pa aniya sila.

Mayroon naman set up ang PPCRV para tumulong sa mga naghahanap ng kanilang presinto. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us