Inihayag ni House Sec. Gen. Reginald Velasco na may ilan nang cybersecurity company ang lumapit sa House of Representatives.
Ito’y matapos ikonsidera ng Kamara na kumuha ng third party entity para tumulong sa pagpapalakas ng kanilang cybersecurity.
Matapos ma-hack ang official website ng Kamara ay tinukoy ng DICT ang ilan sa vulnerability ng kanilang sistema, at kasama dito ang kakulangan sa tauhan.
Bagama’t pinapalakas na aniya nila ngayon ang kanilagn IT team ay posibleng matagalan pa ito.
Kaya inaaral aniya ngayon ng pamunuan na mag-outsource ng cybersecurity experts.
Kabilang sa batayan aniya ay ang credential ng naturang kompanya at kliyente.
Mahalaga ani Velasco na nakapagbigay serbisyo na rin sila sa iba pang government agency.
Kasalukuyang under maintenance pa rin ang website ng Kamara matapos makaranas ng ng kahina-hinala at hindi pangkaraniwang aktibidad. | ulat ni Kathleen Jean Forbes