Naniniwala ang ilang election watchdog na hindi nawawala kundi naging patago lamang ang bentahan ng boto o vote buying sa Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE).
Sa media forum, sinabi ni NAMFREL Chairman Lito Averia, dahil naging mahigpit ang monitoring ng Commission On Election sa ilegal na pamamaraan ng pangangampanya, mas naging maingat at patago ang mga kandidato sa vote buying.
Ganito rin ang paniniwala ni KONTRA DAYA Spokesperson Maded Batara III na hindi pa rin nagbago ang karakter ng maruming eleksyon sa bansa.
Aniya, mas pinalala pa raw ito ng Social Media at Electronic na pamamaraan ng pangangampanya.
Halimbawa na lang nito ang paggamit ng mga digital wallet para ipadaan ang vote buying na mas naging mahirap para ma-monitor.| ulat ni Rey Ferrer