Ilang high impact program at projects, inaprubahan sa ika-10 NEDA Board meeting
Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang P270 billion na high impact programs at projects, sa isinagawang NEDA Board meeting ngayong araw (October 13) sa Malacañang.
Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, na kinabibilangan ito ng Dialysis Center Public-Private Partnership (PPP) Project para sa Renal Center Facility sa Baguio General Hospital Medical Center (BGHMC).
Nagkakahalaga ito ng P392 million, na layong iakyat sa 108 ang active hemodialysis machines ng ospital, sa 2029.
“Chronic Kidney Disease is one of the leading causes of hospitalization and the 10th leading cause of mortality in the Philippines. The most common treatment for its final stage is hemodialysis treatment which requires hemodialysis machines. Currently, the Baguio General Hospital only has 30 machines, all of which are working at full capacity.” —Secretary Balisacan.
Kasama rin sa tinalakay sa pulong ang pag-upgrade, expansion, operations, at maintenance ng Bohol-Panglao International Airport.
Kabilang rin ang cost at implementation timeline ng Bataan-Cavite Interlink Bridge Project at Cebu Bus Rapid Transit (Cebu BRT) Project.
Inaprubahan rin ng board ang Green Economy Programme sa Pilipinas na pupondohan sa pamamagitan ng P3.62 billion grant mula sa European Union.
“The Programme will accomplish the Green Economy initiative by building the capacity of the national government, LGUs, and the private sector to mainstream and sustain green economy activities, enhance our circular economy, reduce waste and plastic, and increase energy efficiency and renewable energy deployment.” —Secretary Balisacan.
Ayon sa kalihim, sinasalamin lamang ng mga proyektong ito ang commitment ng administrasyon sa pagsusulong pa ng infra development sa bansa, para sa pag-angat ng kalidad ng buhay ng mga Pilipino.
“With these approved projects, the Marcos administration reaffirms its commitment to aggressively advance infrastructure development to attain our medium-term development goals of more high-quality jobs and better lives for all Filipinos.” —Secretary Balisacan. | ulat ni Racquel Bayan