Muli na naman bumagsak ang stock kasunod ng pagtaas ng interest rate ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ang pagpapatuloy na hidwaan sa pagitan ng pwersa ng Israel at Hamas.
Bumaba ng 36.01 points o katumbas ng 0.60% ang 30 mga kumpanya sa Philippine Stock Exchange Index matapos magsara sa 6,018.49 points.
Kasunod ito ng desisyon ng monetary board na magpatupad ng “off-cycle interest rate increase” upang sanggain ang mataas na inflation.
Ayon kay Philstocks Research Analyst Mikhail Plopenio, ang pag-aalala ng mga investor sa “off-cycle rate hike” at ang nagpapatuloy na sigalot sa Gitnang Silangan ay ang mga puntos na tinitimbang sa merckdo.
Samantala, bumaba rin ang karamihan sa Asian stock dahil sa kaganapan sa
Wall Street at US Treasury at mga alalahanin sa posibleng paglala ng krisis sa Middle East na nagtulak din sa pagtaas ng presyo ng langis. | ulat ni Melany Valdoz Reyes