Ilang mga kumpanya ng langis, naglabas na ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas na ang ilang kumpanya ng langis para sa mangyayaring dagdag bawas sa produktong petrolyo bukas.

Simula bukas ng alas-6 ng umaga ng Martes magpapatupad ang kumpanyang Pilipinas Shell at SeaOil ng dagdag na ₱0.55 centavos sa kada litro ng gasolina, habang may tapyas na ₱0.95 centavos kada litro ng diesel at ₱0.95 centavos naman sa kada litro ng kerosene.

Samantala, ang kumpanyang Clean Fuel naman ay ipatutupad ang kaparehong halaga mamayang alas-12:01 ng hatinggabi.

Ang oil price increase ay bunsod pa rin ng pabago-bagong presyo sa pandaigdigang merkado. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us