Nakikipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Embahada ng Pilipinas sa Beirut kaugnay sa pagpapauwi ng mga overseas Filipino worker (OFW) doon.
Sa isang pulong balitaan, kinumpirma ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na may mga Pilipino na ang nagpalista para sa repatriation program ng pamahalaan.
Ito ay dahil sa gulo sa pagitan naman ng Israel at militanteng grupong Hezbollah.
Ani Cacdac, may abiso na ang Embahada ng Pilipinas sa Beirut para sa mga Pilipino na nais umuwi ng bansa.
Bagama’t hindi pa aniya tukoy ang bilang ng mga Pilipinong nagpalista. Ito ay kinukumpirma pa nila sa Department of Foreign Affairs.
Sa ngayon, pagtitiyak ni Cacdac, inihahanda na ang pagpapauwi sa mga naturang OFW sa lalong madaling panahon.| ulat ni Diane Lear