Ilang senador, nanawagan na hintayin muna ang pinal na resulta ng imbestigasyon sa doping allegation vs. Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ng ilang mga senador na dapat munang hintayin ang magiging resulta ng imbestigasyon kay Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee matapos nitong hindi pumasa sa doping test ng Asian Games.

Ayon kay Senador Francis Tolentino, may pagkakataon pa kasi si Brownlee na iapela ang naging resulta.

Pero sa pananaw ng senador ay hindi magagawa ni Brownlee ang mag-take ng illegal substance.

Ipinunto naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na hindi ito ang unang pagkakataon na may manlalaro na nabigo sa doping test.

Iginiit rin ni Villanueva na dapat tingnan ang buong proseso at iwasan munang gumawa ng anumang opinyon lalo na sa naging tagumpay ng Gilas sa Asian Games.

Pero kung totoo aniya ang isyu ay aminado ang Majority leader na nakakaalarma ito.

Ipinagtataka naman ni Villanueva ang proseso kung saan inilalabas ang resulta ng mga test sa mga atleta pagkatapos na ng mga laro.

Sa pananaw rin ni Villanueva, hindi magagawa ni Brownlee ang alegasyong gumagamit ito ng ipinagbabawal na substance ng World Anti-Doping Agency.

Naniniwala ang senador na mas magiging maingat pa nga ito sa lahat ng kanyang gagawin matapos niyang makakuha ng Filipino citizenship, na iginawad sa kanya ng Kongreso. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us