Ilang trike drivers sa QC, umaasang magtuloy-tuloy na ang bigtime rollback sa gasolina

Facebook
Twitter
LinkedIn

Good news para sa mga tricycle driver sa Maharlika Street, sa Quezon City ang pagpapatupad ng panibagong bigtime rollback sa presyo ng gasolina.

Ngayong araw, epektibo na ang rollback na:

• Diesel – ₱2.45/liter
• Gasolina – ₱3.05/liter
• Kerosene – ₱3.00/liter

Ayon kay Mang Ferdinand, malaking bagay na rin ito dahil kahit papano ay may pandagdag na rin sa kita.

Gayunman, umaasa sina Mang Sonny at Jose Neri na magtuloy-tuloy ang bigtime rollback nang mas maramdaman umano nila ang epekto nito.

Wala rin kasi aniyang epekto kung sa susunod na linggo ay babawiin rin ito ng sunod-sunod na oil price hike.

Hindi naman gaya ng mga jeepney driver, hindi na humihirit ng taas-pasahe ang mga trike driver sa Quezon City dahil baka mas lalo lang daw silang mawalan ng pasahero. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us