Ilang tsuper ng jeepney sa Mandaluyong City, umaaray sa panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napapakamot-ulo na lamang ang ilang tsuper ng jeepney dahil sa panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo simula ngayong araw.

Ayon sa mga ilang tsuper sa Parklea Terminal sa Mandaluyong City, pihadong bawas-kita na naman ito para sa kanila.

Bagaman pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pisong provisional increase sa minimum na pamasahe, may ilan pa ring pasahero ang nakikipag-away pa.

Kaya naman wala nang magawa ang mga pobreng tsuper kundi tanggapin ang ₱12 na ibinabayad ng mga pasahero sa halip na ₱13 dahil wala silang maipakitang patunay.

Simula kasi ngayong araw, ₱1.30 ang taas-presyo sa kada litro ng Diesel, ₱0.95 centavos sa kada litro ng Gasolina habang ₱1.25 naman sa kada litro ng Kerosene.

Una nang inihayag ng Department of Energy (DOE) na kaya tumaas ang presyo ng langis ay dahil sa apila ng ilan na magkaroon ng embargo o pigilan ang pagsusuplay sa Gitnang Silangan bunsod ng pagsiklab ng gulo sa Israel. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us