IMF, nakabantay sa nagbabantang epekto ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas sa global economy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Masusi ngayong binabantayan ng International Monetary Fund o IMF ang Israel-Hamas conflict na nagbabantang makaapekto sa global economy.

Ayon kay IMF Managing Director Kristalina Georgieva, bagaman masyado pang maaga upang malaman ang epekto nito sa ekonomiya, mahigpit nilang sinusubaybayan ang sitwasyon lalo ang oil market.

Ito ang kanyang pahayag sa ginaganap ngayong annual meeting ng IMF at World Banks sa Marakkech, Morocco na dinadaluhan ni Finance Secretary Benjamin Diokno bilang kinatawan ng Pilipinas.

Ayon sa IMF official, nakadudurog ng puso na ang mga insoenteng sibilyan ang siyang namamatay sa gitna ng kaguluhan sa Israel at Hamas.

Umapela rin si Georgieva sa iba pang mga bansa na iwasan nang makisali na magpapalala ng sitwasyon bagkus magpokus sa kooperasyon upang mabilis ang pagresponde sa inaasahang economic shocks sa pandaigdigang paglago.

Sa panig naman ng Pilipinas, patuloy ang monitoring nito sa potensyal na epekto ng sigalot sa pagitan ng Israel at Hamas sa ekonomiya ng Pilipinas. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us