Immigration policies ng Pilipinas, ibinida sa Thailand partikular na ang Anti-Human Trafficking campaign

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinida ng Bureau of Immigration (BI) sa Thailand ang best practices sa pagsugpo ng human trafficking sa ating bansa tulad ng Ninoy Aquino International Airport Task Force Against Trafficking (NTFT) at ibang task force ng BI.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ipinakita ng ating bansa ang ginagawang hakbang ng immigration department sa bansa, upang matularan ng Thailand ang pagsugpo ng Pilipinas sa human trafficking.

Nagpasalamant naman ang bansang Thailand sa pagbabahagi ng ating bansa sa mga ginagawang hakbang nito sa paglaban sa human trafficking, at mahalaga ito para naman sa kanilang bansa upang labanan ang ganitong uri ng iligal na gawain. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us