Dumating na sa bansa ang ina ng 25 taong gulang na 4th year criminology student at hazing victim na si Ahldryn Bravante.
Si Cheryl ay inalalayan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at emosyonal na dumating sa NAIA terminal 3 kaninang tanghali mula sa Oman, kung saan ito ay nagtatrabaho bilang domestic helper.
Sa maiksing pahayag, nanawagan ni Cheryl ng hustisya sa pagkamatay ng kanyang anak at sana ay agad maresolba ang kaso.
Gayundin ang paglutang at pagsuko ng mga sangkot sa hazing, at mapanagot sa kanilang ginawa.
Tiniyak naman ng OWWA ang pagbibigay ng tulong na kakailanganin ng pamilya Bravante kabilang na ang financial assistance.
Matatandaang si Ahldryn ay binawian ng buhay matapos mahirapan huminga at mawalan ng malay, matapos dumaan sa initiation rites ng Tau Gamma Phi fraternity-Philippine College of Criminology Chapter. | ulat ni AJ Ignacio