Ina ng grade 5 student sa Antipolo City na nasawi matapos sampalin ng guro, nanawagan ng hustisya kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ng hustisya ang ina ng Grade 5 student sa Peñafrancia Elementary School sa Antipolo City na nasawi matapos umanong sampalin ng guro.

Kinilala ang biktima na si Francis Jay Gumikib, 14 na taong gulang.

Personal na nakausap ng Radyo Pilipinas ang nagdadalamhating ina ni Francis na si Elena Minggoy at ibinahagi nito ang nangyari sa kaniyang anak.

Nagsumbong daw sa kaniyang guro si Francis dahil sa maiingay ang kaniyang mga kaklase habang sila ang nage-exam.

Pagkatapos nito ay bumalik sa upuan ang kaniyang anak para ipagpatuloy ang pagsusulit. Pero lumapit daw ang guro hinila ang damit, sinabunutan, at sinampal ang bata.

Ayon sa ina ni Francis, nagsumbong sa kaniya ang anak na sinampal ito ng kaniyang guro at sa kaparehong araw din nagsimula nitong maramdaman ang pananakit ng tenga nito na parang mabibingi.

Nangyari ang insidente noong September 21.

Nanawagan naman ang ina ni Francis kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte na tulungan silang makamit ang katarungan para sa kaniyang anak na si Francis. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us